Ipinagbabawal na sa ilang lungsod sa Metro Manila ang paggamit ng mga paputok at pyrotechnic devices sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sa susunod na linggo, nakatakdang aprubahan ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang ordinasa patungkol dito para matiyak ang kaligtasan ng mga residente ng Marikina City sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa alkalde, iniiwasan nilang magkumpulan ang mga tao, na pinangangambahang magdulot pa ng hawan ng novel coronavirus.
Kaya naman hindi na itutuloy ngayong taon ang annual community-based fireworks display at concert.
Ito ay alinsunod na rin sa Resolution No. 19 ng Regional Peace and Order Council.
Samantala, inaprubahan naman na ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang City Ordinance 833 para sa total ban nang pag-manufacture, pagbebenta, distribution, possession, at paggamit ng mga firecrackers at iba pang pyrotechnic devices sa lungsod.
Sinabi ng pamahalaang lungsod na ipagbabawal nila ito hanggang sa matapos ang public health emergency at crisis dulot ng COVID-19 pandemic.