-- Advertisements --

Pinag-iisipan pa raw ng pamahalaan ng Pilipinas ang paggamit sa saliva tests upang malaman kung positibo mula sa coronavirus disease ang isang indibidwal.

Sinabi ni PRC biomolecular laboratories head Paulyn Ubal, mayroong 99 percent detection rate ang naturang COVID-19 saliva test ng University of Illinois.

Kalahati aniya ang magiging presyon nito kung sakali. Mas madali raw kasi itong kolektahin dahil sterile vial lamang ang gagamitin. Hindi na rin daw nito kakailanganin ng healthworker o swabber na sasailalim pa sa training para kumolekta ng laway.

Pwedeng-pwede raw kasi ang self-collection saka isa-submit sa laboratoryo.

Dagdag pa ni Ubal na ginagamit ito para sa mga high volume testing tulad ng ginagamit sa mga returning workers o students.

Noong Oktubre ay nag-submit na ng application hinggil dito ang Philippine Red Cross at hinihintay na lamang ang approval mula sa Department of Health Technology Assessment Council.