-- Advertisements --
BBM2

Inaprubahan ni pangulong Ferdinand marcos jr ang paggamit na ng hybrid rice bilang pinakamagandang alternatibo sa inbred variety para tumaas ang produksyon ng bigas.
Ginawa ito ng pangulo sa pakikipagpulong niya sa malakanyang  sa kinatawan ng sl agritech corporation o slac na si henry lim bon liong at mga magsasaka  mula sa central Luzon.
Ang slac ay isang  pribadong kumpanya na nagsasagawa ng research, development,  production at distribution ng hybrid rice seeds at premium quality rice.
Sa pulong na ito, sinabi ni presidential communication office secretary cheloy garafil na tinalakay ang mga hamon sa industriya ng bigas.
Iminungkahi rin ng slac  na mag convert ng 1.90 milyong ektarya ng target areas para sa certified seeds  na  taniman ng hybrid seeds sa loob ng apat na taon.
Sinabi naman ng pangulo na magpapatupad siya ng isang programa na  magtataguyod sa gagawing paglilipat na sa pagtatanim ng hybrid seeds  sa pamamagitan ng pamamahagi ng subsidiya at pautang sa mga magsasaka.
Nabatid na sa nakalipas na dalawang taon, mas mataas ng 41% ang ani ng mga magsasaka sa paggamit ng hybrid system  kesa sa inbred conventional seeds.
Ibig sabihin, ang mga magsasakang gumamit ng hybrid seeds ay nakapag ani ng mula pito hanggang 15 metriko tonelada kada ektarya ng palayan kumpara sa average na 3.6 metriko tonelada lamang kada ektarya sa inbred seeds.
Naniniwala si bon liong na kapag ang hybrid technology  ang ginamit sa buong bansa sa dalawang cropping cycle kada taon, mas malaki ang kikitain ng mga magsasaka at makakamit ang rice sufficiency sa bansa.