-- Advertisements --

Nilinaw ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi lamang ang isyu ng Visiting Forces Agreement (VFA) abrogation ang nais nilang ihingi ng gabay mula sa Supreme Court (SC).

Ayon kay Drilon, bagama’t maraming miyembro ng kapulungan ang nanghihinayang sa mawawalang tulong mula sa Estados Unidos, higit pa aniya rito ang ibig nilang malinawan sa korte.

Sa nangyari kasing kanselasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kasunduan, hindi na kinonsulta ang Kongreso at lalong hindi na hiningi ang kanilang approval.

“What we will be asking the Supreme Court is to define our [Senate] role in the VFA abrogation,” wika ni Drilon.

Posibleng gawin ang paghahain ng kahilingan sa korte sa mga susunod na araw.