-- Advertisements --

Tatapusin na ngayong araw  ng Committee of the Whole House ang pagdinig sa Resolution of Both Houses No. 7 na nagsusulong ng pag amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 constitution.

Ayon kay Deputy Majority leader at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales na mamayang alas-2:00ng hapon tatapusin ang pagdinig at kanila ng pagbotohan para maiakyat na sa plenaryo.

Inihayag ni Gonzalez na target nila maaprubahan ang RBH no7 sa second reading sa miyerkules sa susunod na linggo.

Dagdag pa ng Kongresista gagawin nila ang botohan bago ang iskedyul ng regular session mamayang hapon para magkaroon ng quorum.

Kung maaalala naging maiinit ang talakayan sa isyu ng charter sa edukasyon dahil hindi pabor ang Deped na magkaroon ng pag aari ang mga banyaga na eskwelahan sa bansa.

Subalit ang Ched pabor sa economic charter.

Inihayag ni Rep. Gonzales na nirerespeto nila ang posisyon ng DepEd.