Sisimulan na ng Tariff Commission ang mga pagdinig sa panukalang bawasan ang taripang ipinapataw sa inangkat na bigas sa araw ng Biyernes Setyembre 15.
Ang mga interesadong partido ay hinihimok na magparehistro ng kanilang partisipasyon bago matapos ang business hours sa araw ng Huwebes, Setyembre 14.
Isasagawa ang public hearing sa pamamagitan ng videoconferencing mula 9am hanggang 12nn.
Ang naturang pagdinig ay bilang tugon sa petisyon na inihain ng Foundation for economic Freedom Inc. na nagpapanukalang bawasan ang Most Favoured Nation (MEN) tarriff rates sa mga bigas mula sa kasalukuyang 35% sa 10% na lamang para sa in-quota at out-quota.
Hinihikayat din ang mga interesadong partido na magsumite ng kanilang position papers gamit ang position paper template na makikita sa website ng Comelec.
Ang deadline ng pagsusumite ng position papers ay sa parehong araw din ng Huwebes.