-- Advertisements --
Screenshot 2021 03 13 12 15 27

ILOILO CITY – Isasailalim na sa full-blown trial ang 14 na Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) operatives na sangkot sa madugong pagsiliub ng search warrant sa Tapaz, Capiz noong Disyembre 30,2020 na ikinamatay ng siyam na katao.

It ay matapos nakitaan ng probable cause ang kaso ng 14 na mga pulis na kinabibilangan ng anim na myembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit Calabarzon, anim mula sa CIDG Regional Field Unit National Capital Region, at dalawa mula sa Drug Enforcement Group Special Operations Unit ng Philippine National Police.

Matatandaan na sa counter-affidavits na isinumite ng 14 mga police respondents, nakasaad na walang grave misconduct at walang iregularidad sa simultaneous operation na nagresulta sa pagkamatay ng siyasm na tao na pinaniniwalaang kasapi ng rebeldeng grupo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pol. Col. Roger James Brillantes, director ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) VI, sinabi nito na may nangyaring discharge of firearms sa isinagawang operasyon na maaaring mapasok sa kasong grave misconduct.

May 9 summary hearing officers na magsasagawa ng virtual hearing sa 14 pulis.

Bibigyan naman ng sapat na panahon hanggang Marso 28 ang mga police respondents na makagawa ng position letter at makatipon ng kanilang ebidensya upang madepensahan ang kanilang mga sarili.

Kapag hindi nakapagsumite ng position letter ang mga pulis, magpapatuloy pa rin ang report of investigation sa summary hearing proceedings.

Kapag napatunayan na guilty sa administrative liability ang mga pulis, ang minimum penalty ay 30 hanggang 60 na araw na suspension, posible rin ang demotion sa rangko bilang pulis, at posible mapaalis sa serbisyo.