NAGA CITY- Naging emosyonal ang pagdating ng labi ng ng nasawing co-pilot ng Huey Helicopter ng Philippine Airforce sa Barangay Dayangdang Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa pinsan ng biktima na si Capt. Julius Sanchez, sinabi nito na labis umano ang dalamhati na nararamdaman ng kanyang pamilya sa biglaang pagkamatay ni Capt. Feorelio Bernardo.
Ayon kay Sanchez, si Capt. Bernardo lamang umano ang nag-iisang miyembro ng kanilang pamilya ang nakapasok sa Philippine Airforce sa edad na
32-anyos.
Dagdag pa ni Sanchez , kahapon lamang nang malaman nila ang insidente ngunit umasa parin umano ang mga ito na ligtas si Capt. Bernardo.
Subalit ng mismong araw rin nang ibalita ng opisyal ng Philippine Airforce na kasama si Capt. Bernardo sa mga namatay sa nangyaring insidente sa Cauayan City.
Naiwan ni Capt. Bernardo ang kanyang asawa at pitong taong gulang na anak.