-- Advertisements --

Sumentro sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia ganun din sa kaguluhan sa Middle East ang Easter message ni Pope Francis.

Pinangunahan ng 86-anyos na Santo Papa ang Easter day Mass sa St. Peter’s Square sa Roma.

Napuno ng mahigit na 38,000 na bulaklak na donasyon mula sa the Netherlands ang St. Peters Square.

Aabot naman sa mahigit 100,000 na katao ang dumalo sa nasabing misa at nakinig sa kaniyang “Urbi et Orbi” o (to the city and the world” message and blessing.

Nanawagan ang Santo Papa na tulungan ang mga Ukrainian para tuluyang makamit ang inaasam na kapayapaan.

Mula kasi ng atakihin ng Russia ang Ukraine noong nakaraang taon ay dalawang beses kada linggo na sinasabi ng Santo Papa na mga martir ang mga Ukrainian.

Hiniling din nito sa mga lider ng bansa na dapat ay tulungan matigil ang kaguluhan sa pagitan ng Israel, Lebanon at Syria.