-- Advertisements --


Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na ituloy ang pagdaraos ng Palarong Pambansa sa susunod na taon.

Ito ay matapos na kanselahin ng DepEd ang Palarong Pambansa ngayong 2020 bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa DepEd, nagsasagawa na ng mg apag-aaral ang kanilang mga regional sports officials para alamin kung ano ang maaring gawin base sa minimum health standards sa gitna ng pandemya.

Ang resulta nang pag-aaral na ito ay ikokonsidera naman anila ng Palaro Board para sa desisyon na kanilang gagawin.


Sinabi ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo na walang pondong nakalaan para sa 2021 Palarong Pambansa sa ilalim ng pondo ng DepEd sa susunod na taon.