Nababahala ang World Health Organization (WHO) sa pagdami ng mga healthcare workers mula sa mahihirap na bansa na nagtutungo sa mas mayayamang bansa.
Ito ay sa gitna ng pangangailangan ngayon ng mahihirap na bansa para sa mga healthcare workers na nawala dahil sa pagtama ng COVID-19 pandemic.
Ayon pa sa UN Health agency, bago pa man ang pandemiya tumaas na ang bilang ng mga nurses at iba pang healthcare workers ang umaalis sa bahagi ng Afirca o Southeast Asia para humanap ng mas magandang oportunidad sa mayayamang bansa sa Middle East o Europe.
Inihayag ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang mga health workers ang itinuturing na backbone ng bawat health system subalit nasa 55 mga bansa na mayroong most fragile health systems sa buong mundo ang walang sapat na mga health care workers dahil sa international migration.
Kabilang dito ang Comoros, Rwanda, Zambia, Zimbabwe, East Timor, Laos, Tuvalu at Vanuatu.