-- Advertisements --
Inamin ng Department of Agriculture (DA) na hirap silang mapigilan ang pagdami ng carrier ng sakit na African Swine Fever (ASF).
Ayon kay DA Sec. William Dar, hanggang ngayon ay kulang pa rin ang kaalaman ng marami ukol sa pagkalat ng sakit.
Paliwanag nito, bagama’t hindi ito nakakahawa sa tao kahit makain ang karne ng baboy na may ASF, nagiging carrier naman aniya ang mga tao.
Dahil virus ang pinanggagalingan ng sakit, maaaring ang simpleng paghawak sa baboy na may sakit ay maitawid sa ibang baboy na malinis.
Kaya naman, umaapela sa iba pang ahensya ng DA para matulungan silang mapigilan ang pagdami ng carrier sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tamang impormasyon.