Kung si Sen. Bong Revilla raw ang tatanungin, hindi rin dapat payagang makadalo sa mga session ng Senado ang nakakulong na si Sen. Leila De Lima.
Ito ang tugon ng senador sa mga panawagan na payagang makadalo sa Senate sessions ang senadora.
Ikinumpara ni Revilla ang kanyang sinapit na sitwasyon noong nakakulong din sya bilang senador dahil sa kasong plunder.
Tinawag na “special treatment” ng mambabatas ang panukala dahil hindi naman daw kinilala ng dating pinuno ng Senado ang kanya ring hiling na makasali sa proceedings na mataas na kapulungan noon.
Pinuna rin nito ang umano’y “double standards” at “sense of entitlement” ng mga nagsulong at sumuporta sa panawagan.
Sina Sen. Franklin Drilon at Sen. Panfilo Lacson ang naghain ng Senate resolution para payagan si De Lima na makasali sa mahahalagang Senate hearings.
“The double standards and sense of entitlement of some people are frankly quite disheartening. When I was incarcerated due to politically motivated charges, which the Court has finally settled in my acquittal, a very vocal group were against my participation in Senate proceedings.”
“Wala ‘yang pinagkaiba sa sitwasyon ko noon. Halatang halata naman ang special treatment ‘pag pinayagan ‘yan ngayon.”