Nagdulot ng kaguluhan ang pagdalaw ni Lionel Messi sa Salt Lake Stadium noong Sabado matapos magalit ang mga tagahanga na hindi nasiyahan sa kanyang maikling pagpapakita.
Libu-libong tagahanga ng sikat na football star, na nagbayad ng hanggang 12,000 rupees (tinatayang $133), ay dumating upang makita siya ng personal, ngunit nagalit nang makita nilang naglakad lamang si Messi sa paligid ng pitch, at natakpan pa siya ng maraming opisyal at celebrity.
Matapos ang 20 minutong paglabas ni Messi, agad siyang kinuha ng segcurity, na nagpasiklab sa galit ng ilan sa mga tagahanga. Ilang mga fans ang nagsimula nang mag-amok ng gulo sa stadium, sumugod sa pitch, nagwasak ng mga banner at tents, at nagtapon ng plastic na upuan at mga bote ng tubig.
Ipinahayag ng Chief Minister ng West Bengal na si Mamata Banerjee ang kanyang pagkabigla at paglulungkot sa insidente, at nagtakda ng isang imbestigasyon.
Humingi siya ng paumanhin kay Messi at sa mga tagahanga ng sports sa nangyaring aberya.
Sinabi ng tagapagsalita ni Messi na natupad niya ang kanyang napagkasunduang oras, at iniiwasan na magbigay ng karagdagang pahayag ukol sa organisasyon ng event,
Inaresto na ng mga awtoridad ang organizer ng event, ngunit wala pang karagdagang detalyeng ibinibigay.
Nabatid na ang pagdalaw ni Messi sa India ay bahagi ng kanyang “GOAT Tour” na naglalayong magsagawa ng mga promotional event sa Kolkata, Hyderabad, Mumbai, at Delhi.














