Hindi pa rin umano natitinag si Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) President Alejandro Tengco, sa likod ng maraming batikos na inabot ng P3Million na halaga ng bagong logo ng nasabing ahensiya.
Maalalang unang binuksan sa publiko ang bagong logo ng PAGCOR noong Hulyo a-11 na agad umani ng batikos mula sa ibat-ibang sektor.
Ayon kay Tengco, hindi siya apektado sa mga nasabing batikos.
Sa katunayan aniya, isang magandang desisyon ang kanilang ginawa sa pamamagitan ng pagkuha sa nasabing logo, at paninindigan umano nila ang nasabing desisyon.
Paliwanag ni Tengco na ang P3Million na kanilang ibinayad ay hindi lamang sa logo kungdi kasama na ang lahat, katulad ang bayad ng designer, pag-aaral na ginawa, at mga ginamit na material.
Maalalang maliban sa batikos sa social media, maging ang ilang mga opisyal ng bansa ay naglabas din ng kanilang pagkadismaya, habang ang ilang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ay hiniling na rin na maimbestigahan ang nasabing usapin.