-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa dumaraming mga gaming sites na iligal na gumagamit ng kanilang logo.

Sinabi ni Pagcor Chairman Alejandro H. Tengco, na dapat maging mapagmatyag ang publiko sa mga gaming sites na kanilang pinapasok.

Magdudulot aniya ito ng kapahamakan sa mga mamamayan kung saan magagamit ang kanilang mga peronal at financial information.

Dagdag pa nito na marami sa mga ito ang kanilang naipasara na subalit may ilan ang nakagawa agad ng panibagong iligal na websites.

Mahigpit na rin ang ugnayan nila sa mga kapulisan, National Bureau of Investigatoin at Department of Information and Communications Technology para imbestigahan at sampahan ng kaso ang sinumang nasa likod ng nasabing iligal na gaming sites.