Ipapatupad na ng Phlippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang non-contact application policy para maiwasan ang anumang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa PAGCOR, isa sa mga ipinatupad nila ay ang paglalagay na lamang ng mga dropbox sa kanilang opisina kung saan doon ihuhulog ng mga taong hihingi ng tulong sa kanila.

Makakatanggap na lamang ng text message ang pasyente na naghulog ng kanilang mga dokumento at para maiproseso ang kanilang request.

Sinabi naman n PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility Jimmy Bondoc, na dapat ang mga dokumento na isusumite sa kanila ay tunay at kumpleto.

Prioridad nila ngayon ang mga pasyente na sumasailalim sa chemotheraphy at dialysis.