-- Advertisements --
image 477

Nasa proseso na ng pagpapalit ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa pangunahin nitong role sa gaming industry.

Paliwanag ni Chairman and CEO Alejandro Tengco, mula sa kasalukuyang operator at regulator, target nilang maging isang regulator na lamang ang PAGCOR.

Ito aniya ay maaaring mangyari sa loob ng suunod na dalawang taon.

Ayon kay Tengco, kasalukuyan na nilang isinasapinal ang transition para rito, kasama na ang pagpokus sa magiging pangunahing trabaho sa ilalim nito.

Aminado naman ang opisyal na ang pagbabago ay maaaring makaapekto sa ilan nilang mga empleyado, kayat kailangan aniyang matiyak ang maayos na transition.

Paliwanag ng opisyal, nasa proseso na ito ng pagpapalit sa corporate structure, business processes and procedures ng PAGCOR, upang maging mas competitive ang naturang ahensiya.

Tiniyak naman ni Tengco na walang dapat pangambahan ang mga stakeholders dahil mayroon aniyang nakalatag na plano bilang mitigation at upang maiwasan na may ma-dispace na emplyado dahil dito.