-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na kanilang babawasan ang gross gaming revenue (GGR) remittance rate ng mga online at onsite betting platforms.
Sinabi ni PAGCOR chairman and CEO Alejandro Tengco na magsisimula nila itong ipapatupad sa Abril 1.
Ang nasabing hakbang aniya ay para maka-akit pa ng mas maraming gaming investments sa bansa.
Mula sa dating 50% ay magiging 35 percent na ang gross gaming revenue.
Ang nasabing bilang ay sumusunod na rin sa global industry standards.
Dahll dito ay umaasa ito na kukuha na ng mga lisensiya ang mga iligal na nag-ooperate na ng mga pasugalan.