Kumpiyansa si National Security Adviser Secretary Eduardo Año na tuluyan nang masusugpo ng Hukbong Sandatahan ang mga natitirang miyembro ng komunistang teroristang grupo sa bansa bago matapos ang taong 2024.
Ito ang ipinahayag ng kalihim sa gitna ng unti-unti nang paghinga ng puwersa ng New People’s Army ngayon nang dahil na rin sa nararanasan leadership vaccum nito nang dahil na rin sa pagkasawi ng ilan sa kanilang mga pinuno.
Ayon kay Sec. Año, bahagi Ito ng testamento ng pagiging epektibo ng National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict sa pagpapatupad ng “whole of Nation” at “whole of government” approach para laban ang insurhensya sa bansa.
Lalo na ngayong maituturing nang “strategically defeated” ang NPA sa kabila ng pagkasawi ng ilan sa kanilang miyembro sa mga engkwentro laban sa militar, habang ang iba naman ay nagbabalik-loob nang muli sa acting pamahalaan.
Kung maaalala, una na ring ipinag-utos ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa buong hanay ng Hukbong Sandatahan na tuluyan nang sugpuin ang lahat ng mga miyembro ng komunistang teroristang grupo na NPA sa buong bansa bago matapos ang taong 2024.