-- Advertisements --

army2 1

Inatasan na ni Philippine Army Chief Lt.Gen. Romeo Brawner Jr ang mga tauhan nito na paigtingin at palakasin pa ang kanilang mga hakbang upang tuluyan ng mabuwag ang mga Private Armed Groups (PAGs).

Ayon kay Brawner, layon nito para matiyak na magiging payapa at maayos ang nalalapit na national at local elections sa darating na May 2022.
Sa kaniyang unang Army-wide Command Conference para sa taong ito, pinaalalahanan din ni Brawner ang mga sundalo na dapat bumoto at tiyaking magiging maayos ang eleksyon.

“In order for us to achieve peaceful and orderly elections, let us look into dismantling private armed groups,” pahayag ni LtGen. Brawner.

Binigyang-diin ng Heneral na hindi aniya nila hahayaang mamayani sa kanilang hanay ang anumang uri ng partisan politics gayundin ang tinatawag na “military adventurism.”

Kasunod nito, nanawagan si Brawner sa mga kandidato lalo na iyong mga nasa malalayong lalawigan na iwasan nang magbayad ng “permit to campaign” sa mga rebelde ngayong nagsimula na ang panahon ng halalan.
“We will closely partner with the Commission on Elections and other concerned agencies to provide an atmosphere of safety and security so that the people can vote freely, thus upholding the sanctity of the ballot,” dagdag pa ni Lt. Gen. Brawner.