-- Advertisements --
PPNP

Ipinagpaliban ng mga Senador ang pagbusisi sa panukalang 2024 budget ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang naging rekomendasyon ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa deliberasyon ng panukalang P5.768 trillion na pondo para sa taong 2024.

Ang pagpapaliban aniya sa pagbusisi ng pondo ng PNP ay upang mas ma-familiarize pa sila sa kanilang budget at mapag-aralan pa ito nang husto.

Ayon pa kay Pimentel, sasabihin nila kung kailan sila babalik sa Senado upang matalakay ang kanilang pondo para sa susunod na taon.

Samantala, naaprubahan naman sa plenary deliberations ang panuklang pondo ng Department of the Interior and Local Government – Office of the Secretary.