Dinepensahan ni Senate Pres. Vicente Sotto III ang panukalang pagbuo ng bagong government body na tututok sa mga issue kaugnay ng iligal na droga.

Ayon kay Sotto, hindi maisasantabi ang trabaho ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB) sa ilalim ng panukalang Presidential Drug Enforcement Agency (PRDEA).

Katunayan, palalakasin pa raw ng panukala ang kapangyarihan ng dalawang ahensya dahil bibigyang daan umano nito ang mas organisadong anti-illegal drug operations.

Una ng umalma ang PDEA at DDB sa panukala pero ayon kay Sotto, makabubuti kung pag-aaralan din ng mga opisyal ang panukala nang matimbang ang kanilang mga opinyon dito.