Aprubado na ng Department of Budget and Management ang pagbuo ng dagdag na 4,265 na mga posisyon para sa iba’t-ibang mga field offices ng Department of Social Welfare and Development.
Ito ay upang suportahan ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng naturang kagawaran.
Kabilang sa mga posisyong binuo ay ang Project Development Officer II na tungkuling mag-augment ng mga existing staff ng DSWD para sa mas maayos na pamamahala sa kanilang workload kung saan tinatarget naman ang pagkakaroon ng isang case manager kada 300 sambahayan.
Ayon sa DBM, ang mga pondo para sa pagbuo ng mahigit 4,000 Project Development Officer II positions ay dapat na i-charge mula sa available allotment ng DSWD.
Sakaling magkaroon man ng kakulangan sa pondo ay maaari rin naman na magmula sa available appropriation ng Fiscal Year 2024 General Appropriation Act ang funding requirement ng naturang hakbang.