Magsasagawa ng oversight hearing ngayong araw ang Kamara para imbestigahan ang water shortage crisis sa Metro Manila ngayong patuloy na nakakaranas ng ilang oras na water service interruptions ang mga residente.
Mismong si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang napatawag sa House Oversight Committee na mag-reconvene para sa naturang usapin.
Kabilang sa mga imbitado sa pagdinig na ito ay mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Agriculture, National Water Resources Board, Metropolitan Waterworks and Sewerage Systems, Department of Budget and Management, Local Water Utilities Administration, NEDA, DENR, at mga water concessionaires.
Tatalakayin din sa pagdinig na ito ang mungkahing bumuo ng Department of Water.