Suportado ni Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr., na muling buhayin ang Anti-Subversion Law na ni-repeal noong 1992 sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Ang nasabing batas ay nagdedeklarang iligal o labag sa batas ang pagiging komunista.
Sinabi ni Sec. Galvez, mas maganda kung muling maipatutupad ang Anti-Subversion Law dahil mas mapapaigting nito ang layuning wakasan ang pag-aalsa o rebelyon sa bansa.
Ayon kay Sec. Panelo, makatutulong din ang batas na maharang ang pagre-recruit ng mga organisasyong direktang may kaugnayan sa Communist Party of the Philippines–New Peoples Army (CPP-NPA).
Una nang ipinalutang ni Interior Sec. Eduardo Año ang muling pagbuhay sa Anti-Subversion Law kasunod ng napaulat na dumaraming bilang ng mga estudyanteng nare-recruit ng NPA.










