Tiniyak ni Tourism Sec. Christina Frasco sa mga mambabatas na kasado na ang kanilang paghahanda para muling buksan ang turismo sa Mindanao.
Ito ang naging tugon ni Sec Frasco sa interpelasyon ni Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo sa budget briefing ng ahensya.
Sinabi ni Frasco, pinakamahalagang component ng pagbubukas ng turismo sa rehiyon ay ang tuloy-tuloy na magandang peace and order.
Bunsod nito nakikipag-ugnayan na aniya sila sa Dept of National Defense upang maisugro na ang pagbubukas muli ng turismo sa rehiyon ay magiging ligtas at ma-maximize din ang potensyal ng mga LGU na makatulong sa turismo.
Nasa tatlompung porsyento naman ng kabuuang budget ng ahensiya inilaan para sa Mindanao.
Kasabay nito hiniling naman ni Dimaporo sa DOT na matutukan din ang pagsasa-ayos ng mga tourism infrastratures na nasira dahil sa kalamidad.
Inihalimbawa ng kongresista ang lalawigan ng Lanao kung saan mula aniya nang tumama ang bagyong Vinta noong 2017 ay hindi pa rin naisa-ayos.
Ayon kay Frasco, bahagi ang tourism infrastructure rehabilitation nang kanilang Tier 2 proposal ngunit hindi naisama ng DBM sa 2023 NEP.
Bunsod nito inatasan na lamang aniya niya ang TIEZA na makipag ugnayan sa DOT upang makapag-paabot ang ahensya ng kahit maliit na tulong.
Samantala, kinumpirma naman ni Frasco na kanila na rin nirerebyu para palitan ang slogan ng ahensiya ang Its more fun in the Philippines at wow Philippines.
Aniya nais nila na ang slogan ay may kuneksiyon sa kasalukuyang panahon.
Ibinahagi rin ni Frasco ang plano nilang patatayo ng tourist assistance call center sa mga ports na magsisilbing one stop shop na maaring paghingan ng tulong at iba pang impormasyon ng mga turista.
Magtatayo rin ng sampung tourist rest areas sa Luzon, Visayas ay Mindanao na maaaring maging pahingahan ng mga turista, na may malinis na palikuran at apaslubogn center.
Ilulunsad din ani Fraso ang Bisita Be My (BBM) Guest Program kung saan bibigyan ng mga insentibo ang mga OFWs na mag-iimbita ng kanilang mga kaanak, kaibigan at iba pang turista na bumisita sa Pilipinas.
Tinukoy na rin aniya nila ang mga health facility na kailangan ayusin at i-upgrade para maserbisyuhan ang mga turista na mahaharap sa aksidente.
Kasama rin sa plano ng ahensya ang pagtatatag n g mga cultural at heritage areas sa buong bansa.