-- Advertisements --
Nakatakdang magsimula sa Abril 17, ang aplikasyon para sa transport network vehicle service (TNVS), ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
May kabuuang 10,300 slots sa Metro Manila ang inilaan ng ahensya para sa mga mag-aaply dito.
Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz III, inapburahan ang sapat na bilang ng mga pampublikong sasakyan dahil sa mataas na demand nito na dulot ng maraming mananakay.
Una nang nagpaalala ang naturang ahensya na dapat sundin ng mga applicants ang mga panuntunan at mga documentary requirements para tuluyang masawata ang illegal transactions at maiwasan ang mga aplikante na tumangkilik sa mga fixers.