-- Advertisements --
DFA1

Naantala sa ikalawang pagkakataon ang naunang inaasahang pagtawid sa hangganan ng mga Pilipino mula Gaza hanggang Egypt dahil sa patuloy na pag-atake ng Hamas sa Israel.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega, 20 mga Pinoy ang naudlot sa paglikas dahil sa pag-atake ng Hamas.

Sinabi ni de Vega na ang pagtawid sa Rafah border ay muling isinara at hindi alam ng mga opisyal ng gobyerno kung hanggang kailan ito magbubukas muli.

Gayunpaman, idinagdag niya na ang mga bansa ay nag-uusap na at nagkakaroon ng talakayan upang ang naturang hangganan ay muling mabuksan.

Matatandaang pinangunahan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang anunsyo na mga Pilipino ang uunahin sa pagpapalikas sa naturang border.

Noong Linggo inaasahang aalis sana ang unang batch na binubuo ng 20 Pilipino mula sa Gaza ngunit hindi natuloy dahil sinuspinde ang pagbubukas ng hangganan dahil sa mga kadahilanang pangseguridad kasunod ng mga pag-atake sa Israel partikular na sa isang ambulansya sa teritoryo ng Palestine.

Ayon pa kay de Vega, mula sa 115 na bilang, 46 na lamang sa 134 na Pilipino ang handang magpatuloy sa makauwi sa Pilipinas.

Una na rito, may dalawang Pilipino na ang nakarating sa Egypt matapos ang maikling pagbubukas ng Rafah border na kung saan sila ay dalawang doktor mula sa humanitarian group na Doctors Without Borders.