-- Advertisements --

Kumpiyansa ang National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict na makakatulong sa pamahalaan ang pagbisita ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan sa ating bansa partikular na sa pagprotekta at depensa sa malayang pamamahayag sa Pilipinas.

Ito ang binigyang-diin ni NTF-ELCAC Executive Director and Undersecretary Ernesto Torres Jr. kasunod ng kanilang naging pagpupulong kasama si Khan kung saan tinalakay ng mga ito ang iba’t-ibang mga usapin na may kaugnaya sa nasabing isyu.

Naniniwala si Usec. Torres na ang pagbisitang ito ni Khan ay maaaring makapagbigay ng panibagong oportunidad para sa isang constructive dialogue and cooperation sa usapin ng pagprotekta sa karapatan ng bawat isa hinggil sa kalayaan ng pamamahayag at opinyon sa ating bansa.

Bukod dito ay binanggit din niya na ito rin aniya ay maaaring magresulta ng mas konkretong rekomendasyon at follow-up actions na maaaring magamit bilang tugon sa ilang mga suliraning kinakaharp ng bansa.

Ang kanilang pakikipagpulong aniya kay Ms. Khan ay magkakaroon dina niya ng impact sa standing ng Pilipinas sa international community na nagbibigay-diin sa importansya para sa isang positibo at collaborative relationship sa kaniya ng ating bansa.

Samantala, dahil dito ay umaasa aniya ngayon ang pamahalaan na ang pagbisita na ito ni Khan ay hindi magdudulot ng tensyon tulad ng una nang nangyari sa kamakailan lang na pagbisita ni UN Special Rapporteur Ian Fry sa bansa noon kung saan inirekomenda pa nito na buwagin na ang NTF-ELCAC.