Nilinaw ng opisyal ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na walang kinalaman sa imbestigasyon sa war on drugs ng International Criminal Court (ICC) ang napipintong pagbisita ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan mula Enero 23 hanggang Pebrero 2 kasunod ng imbitasyon ng gobyerno ng Pilipinas.
Paglilinaw pa ni PTFoMS Executive Director Paul Gutierrez na ang pagbisita ni Khan sa bansa ay magbibigay-daan sa pagdidiin ng katotohanan ng mariing paninindigan ng Pilipinas sa karapatang pantao at kalayaan ng mamamahayag.
Magpapakita din aniya ito na taliwas sa claims ng mga kritiko, ang estado ng journalism sa bansa ay vibrant.
Sinabi din nito na welcome si Khan na makausap si dating Senator Leila de Lim na kritiko sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at pansamantalang pinalaya kamakailan matapos ang halos 7 taong pagkakakulong may kaunayan sa drug charges nito.
Habang iniimbestigahan naman ng ICC ang umano’y nagawang crimes against humantiy sa kampaniya kontra iligal na droga ng Duterte administration.
Ayon pa kay Gutirrez, mula taong 2007, ang pagbisita ni Khan sa ilalim ng Marcos administration ang ikatlong pagkakataon na may bumisitang UN Special rapporteur sa bansa upang ipakita na walang itinatago ang gobyerno pagdating sa usapin ng karapatang pantao sa ating bansa.










