Mas maraming mga oportunidad sa trabaho ang aasahan para sa mga Pilipino sa pagpasok ng mas maraming Chinese investors sa bansa ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Ito ay kasunod ng mga napagkasunduan sa bilateral meeting sa pagitan ng Pangulong Ferdinand Marcos at Chinese chief executives officers (CEOs) sa Beijing sa state visit ng Pangulo noong Enero 3-5 kasama si DTI Secretary Pascual.
Ani Pascual, maraming mga Chinese business owners at investors ang nagpahiwatig na nais mamuhunan sa ating bansa o palawakin pa ang kanilang operasyon dito sa bansa.
Nauna ng dumalo ang Pangulo sa mga pagpupulong kasama ang mga CEO mula sa iba’t ibang sektor gaya ng agrikultura, renewable energy, mineral processing at e-vehicles.
Magbebenipsiyo din dito ang foreign exchange earnings ng bansa mula sa pagtaas ng export ng mga produktong pang-agrikultura.
Sinabi pa ni Pascual na ang mga investments ay magdadala ng remittances sa ating bansa.
Pagdating naman sa suplay, isa pa sa magiging benepisyo nito ay mapapababa ang cost ng agricultural output
Saad pa ni Pascual na dahil ang China ang biggest trading partner ng Pilipinas, maaaring makapag-avail ang bansa ng foreign trade agreement concessions at sa taripa.