Pahirapan ang pagbili ng mga pangunahing pangangailangan matapos itong nagkaubusan gaya ng canned goods at tubig kasunod ng pananalasa ng winter storm sa US.
Ito ang ibinunyag ni Rex Alba mula sa estado ng Ohio, sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu.
Paglalarawan pa nito na kapag mananatili ka sa labas ng bahay ng hanggang 30 minuto ay magkakaroon ka ng frost bites.
Sinabi pa ni Alba na may mga lugar na nawalan ng kuryente at pahirapan din ang pagmamaneho ng mga sasakyan dahil sa madulas na kalsada.
Dagdag pa nito na karamihan sa mga nasawi ay yung “homeless population” lalong lalo na sa estado ng Tennessee at Buffalo, New York na may maraming naitala dahil nagkaroon pa ito ng secondary wave ng winter storm.
Maliban pa, apektado din umano ang ilang Pinoy na naninirahan sa New York pero wala naman itong nabalitaang kabilang sa nasawi na mga kakilala nito.
Inihayag pa ng Boholano na tanging magagawa ng pamahalaan doon ay tugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan ng mga residente dahil pahirapan din ang mga manggagawa doon mula nang nagsimula ang pandemya.