Tinitignan daw sa ngayon ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagbibigay ng science-and-technology-program scholars na mayroong kasamang entrepreneurship training.
Sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum Jr., ang naturang hakbang ay para ma-expose daw ang mga scientists sa bansa sa entrepreneurs gaya ng mga scientist sa ibang bansa.
Sa science and technology, ang focus daw ay engineering at math kaya nais daw ni Solidum na magkaroon sila ng training ng entrepreneurship para hindi lang science ang kanilang nakikita.
Sa pamamagitan daw nito ay magkakaroon sila ng idea at sila ay magiging scientists na pwede ring maging entrepreneurs dahil ito raw ang kailangan ng bansa.
Dahil sa kanilang plano, nais daw ngayon ng DOST chief na makipag-partner sa mga local businesses para mahikayat ang mga scientists at mga kabataan na magkaroon ng kaalaman sa pagiging entrepreneurs.