Target na masimulan ang pagbebenta ng nasamsam na smuggled sugar sa Kadiwa store sa susunod na buwan ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).
Una ng inamyendahan ng ahensiya ang ilang patakaran para payagan ang donasyon ng nakumpiskang puslit na asukal sa kadiwa at payagan ang pagbebenta nito sa publiko.
Ayon sa bagong talagang SRA Acting chief Pablo Luis Azcona na tinutugunan na ng pamahalaan ang mga isyu sa logistics at warehousing kung saan iiimbak ang mga asukal at kung paano ilalabas ito sa merkado.
Ayon pa kay Azcona nasa kabuuang 4,000 mterikong tonelada ng nakumpiskang pinuslit na asukal ang handang ilabas para maibenta sa Kadiwa store sa halagang P70 kada kilo.
Ipinaliwana din ng opisyal na hindi na maibababa pa sa P70 kada kilo ang presyo dahil kaialngang mabalanse ng mabuti ang retail customers at mga pinoproduce ng mga magsasaka.
Una ng inihayag ni Azcoan na bahagyang naantala ang pagbebenta ng nakumpiskang mga asukal dahil hindi pa ito sumasailalim sa pagsusuri para matukoy kung ito’y ligtas para sa human consumption.