-- Advertisements --

Ibinasura ng board of trustees ng Government Service Insurance System (GSIS) ang naunang desisyon nito na pumapayag na ibenta ang pag-aaring lupa ng tanggapan sa port area sa Maynila.

Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez, nagkasundo ang board members sa nakaraang meeting na ikonsider ang review at konsultasyon ng concerned stakeholders bago tuluyang ibenta ang property.

Nakatakda na kasi sanang ibenta ng GSIS ang 67-ektaryang pag-aaring lupa nito sa International Container Terminal Services Inc. na pag-aari ng kilalang business tycoon na si Enrique Razon.

Sa nasabing meeting din umano tinanggap ng board ang pagbibitiw sa pwesto ni Jesus Clint Aranas bilang president at general manager ng GSIS.