-- Advertisements --

Maaring magpatupad ng pagbabawas ng interest rate ngayong taon.

Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Eli Remolona na may posibilidad na maipapatupad ito sa unang anim na buwan ng taon.

Sa kasalukuyan kasi ay ang reverse repurchae rate (RRP) na ginagamit ng mga bangko ay nasa 6.5 percent.

Bagamat bumaba ang inflation noong Disyembre sa 3.9 percent subalit ang average ng 6 percent na mas mataas sa 2 hanggang apat na porsyento na target range.

Dagdag pa nito na inaasahan na magkakaroon ng paglago ng gross domestic products ngayong taon na mahihigitan ang nakaraang taon.