-- Advertisements --
Inihayag ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Naniniwala si Marcos na makakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ang pag-digitalize ng mga operasyon ng gobyerno para mas mapadali ang mga komunikasyon partikular na sa mga negosyo sa ibang bansa.
Samantala, binigyang-diin din ni Marcos na hindi mababalewala ang kanyang mga naging plataporma noong kampanya para sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs), agrikultura, edukasyon, at sa imprastraktura.