-- Advertisements --

Naniniwala ang mga senador na dapat managot ang China sa insidente ng pagbangga umano ng fishing vessel nito sa bangka ng mga Pinoy na naglayag sa West Philippine Sea kamakailan.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, taliwas sa turingan ng dalawang estado bilang magkaibigan ang ginawa ng mga crew ng naturang Chinese vessel matapos iwan sa gitna ng dagat ang 22 Pinoy na lulan ng bangka.

“We don’t treat our friends like that and we don’t expect to be treated that way either. Nothing short of a hard and serious punitive action by the Chinese leadership against the Chinese crew responsible for the cowardly act against our fishermen could assuage the majority of our countrymen’s strong apprehension about the sincerity of China towards us,” ani Lacson.

Para naman kay Sen. Kiko Pangilinan panahon na para baligtarin ng administrasyon ang polisiya nito ng pagsunod at pagkonsidera sa interes ng Beijing.

“No self-respecting nation in the world will stay meek and docile in the face of such cruelty and aggression.”

Pareho rin ang punto ni Sen. Joel Villanueva na nagsabing responsibilidad ng bawat Pilipino na ipaglaban ang karapatan nito sa pag-aaring teritoryo.

“It is now our responsibility to do the same: assert our rights over the West Philippine Sea and our freedom to navigate and exploit the resources within our exclusive economic zone.”

Kaugnay nito kinalampag din ni Senate Pres. Tito Sotto ang Department of Foreign Affairs na agad ng i-report sa gobyerno ng China ang insidente.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Sen. Richard Gordon na hindi malabong ipatawag sa International Criminal Court ang China kapag napatunayang sinadya nito ang pag-atake sa mga Pinoy.