-- Advertisements --

Dismayado umano si Sen. Panfilo Lacson sa track record ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagbalewala nito sa dalawang resolusyon na nagpapahayag sa posisyon ng Senado hinggil sa dalawang magkaibang isyu.

Ginawa ni Lacson ang obserbasyon na ito matapos sabihin ng Malacanang na kinokonsidera ng Pangulo ang rekomendasyon ng mga senador na bawiin ang kaniyang naging desisyon na babaan ang taripa ng mga imported pork products.

Sa naging online press brifieng ni Presidential spokesman Harry Roque, sinabi nito na nakikinig daw sa lahat ng suhestyon ang presidente, lalo na sa iisang panawagan ng mga mambabatas.

Ayon kay Lacson, maituturing aniyang malas dahil si Roque ang naglabas ng pahayag ng Malacanang.

Inilabas na raw kasi ng Senado ang posisyon nito sa dalawang adopted resolutions subalit tila binalewala lang daw ito ni Duterte. Hindi raw ito nagbigay ng oras para talakayin ang mga isyu kahit sa mga senior officials lang ng Senado.

Isa sa mga ito ay ang panawagan ng mga senador kay Duterte na magdeklara ng state of calamity kasabay na rin ng epekto sa hog industry ng African Swine Flue (ASF)

Ilang beses na ring kinuwestyon ng mga senador ang executive order ng Presidente na nagpababa sa tariff rates ng mga imported na karneng baboy at nagtataas naman sa volume ng karneng baboy.