Iminungkahi ng isang kongresista na gawing prayoridad ng IATF ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 bago sila payagan na makabalik sa face-to-face classes.
Ayon kay House Committee on Peoples Participation chairman Florida Robes, dapat magkapareho ang standards na sinusunod ng mga nasa college level at iyong mga nasa kinder at elementary schools.
Pero sa ngayon, wala pang kompanya na gumagawa ng COVID-19 vaccines ang nakapagsumite ng Emergency Use Authorization para sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Kaya naman panawagan niya sa Food and Drugs Administration na kapag makapagsumite na ang mga COVID-19 vaccine manufacturers ng kanilang EUA ay kaagad na pag-aralan ito.
Ito ay lalo na at mayroon namang banta ng Omicron variant, na kinukonsidera ng World Health Organization bilang variant of concern.