-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Handa ang lokal na pamahalaan ng Aklan na gawing mas madali ang pagpasok ng mga turista sa Isla ng Boracay.
Layunin nito na makaiwas sa abala at hindi na pumila ng matagal ang mga bakasyunista.
Isa sa mga solusyong kanilang nakikita ay gawing automated at online ang pagbabayad ng environmental at terminal fee.
Ayon kay Aklan Governor Joen Miraflores, makikipag-ugnayan sila sa LGU Malay kaugnay sa pagpapatupad ng naturang sistema.
Ang naturang hakbang ay kasunod sa itinutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na gawing digitalize ang transakyon sa buong bansa.
Kabilang pa sa kanilang plano ang paglagay ng fast lane sa Caticlan jetty port papuntang Cagban jetty port sa Boracay.