Posible pa umanong magdulot nang mas matinding trapiko sa bansa ang pagpapatupad ng ban kontra sa mga electic vehicles sa Metro Manila.
Ayon kay Move As One Coation Co-convenor Roberto Siy Jr., maituturing na “Narrow thinking” ng naging desisyon ng mga Metro Manila LGU, at Metropolitan Manila Development Authority na ipagbawal ang mga e-vehicles sa paggamit ng national highways at pag-require sa mga gumagamit nito na magkaroon ng driver’s license.
Ito ay sa kadahilanang tila nagpaabot aniya ito ng mensahe sa publiko na dapat ay mag-invest sa private cars at motorsiklo na mas magreresulta pa aniya sa mas matinding traffic kung ikukumpara sa mga e-vehicle
Dahil dito ay nanawagan si Siy sa pamahalaan na i-welcome ang adoption ng mas maraming electric two or three wheelers vehicles bilang isang mas mabuting solusyon sa mga suliranin sa kalsada.
Kung maalala, una nang idineklara ng mmda na magpapataw ito ng P2,500 na multa sa lahat ng mga gumagamit ng e-ike at e-trike na mahuhuling dumadaan sa mga pangunahing kalsada sa metro manila.
Bagay na sinang-ayunan naman ng mga Local Chief Executives sa rehiyon kasabay ng kanilang pagbu ng sariling rules hinggil sa pagbabawal ng mga ito sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)