Prayoridad ng pamahalaan ang pagbabantay sa soberanya at inegridad ng bansa.

Mensahe ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay nang paggunita sa National Flag Day.

Sinabi ni Lorenzana, patuloy na nagsusumikap ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa para ipagtanggol ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang banta sa kapayapaan at seguridad ng Pilipinas.

Giit ng kalihim, bagaman ibang hamon na ang kinakaharap sa kasalukuyan kagaya ng terorismo, malawakang pabago bagong panahon, pagkasira ng kalikasan, kahirapan, korapsyon, paglaganap ng transnational crime at agawan sa teritoryo, ay nakaalerto pa rin ang kanilang hanay at handang tumugon sa mga hamon na ito.

Kasunod nito, nangako ang kalihim na makakaasa ang publiko na kung may nais mang sumira sa demokrasya ng bansa ay hindi nila ito pahihintulutan.

-- Advertisement --

Isa sa malaking hamon na kinakaharap ngayon ng bansa ay ang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.