-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang na gagawin ng gobyerno ang lahat para matugunan ang naitalang kaso ng polio sa bansa matapos ang halos dalawang dekadang pagiging polio-free ng Pilipinas.

Sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles, sa gagawing na Cabinet assistance system sa susunod na linggo, tatalakayin nila ang usaping ito lalo lahat ng miyembro ng gabinete at mga opisyal ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan ay dadalo rito.

Ayon kay Sec. Nograles, handa ang gabinete na magpaabot ng assistance o ano mang tulong na kakailanganin ng Department of Health (DOH) kaugnay sa kaso ng polio sa bansa.

Naniniwala rin si Sec. Nograles na ang pagbaba ng vaccination coverage o ang pagkonti ng bilang ng mga nagpapabakuna ang dahilan kung bakit muling nakapagtala ng kaso ng polio sa bansa.

Inihayag din ni Sec. Nograles na kung matatandaan mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanawagan sa publiko na pabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga anak.