Reading Time: 1 minute
PCSO lotto tickets

Inasahan na umano ni Department of Justice (DoJ) Sec. Menardo Guevarra na babalik ang operasyon ng lotto.

Ayon sa kalihim, ang lotto draw kasi ay computerized at well monitored kayat mahirap itong dayain.

Una nang sinabi ni Guevarra noong ipinasara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na posibleng temporaryo lamang ito.

Kagabi nang ipag-utos ng Pangulong Duterte na tuloy na at epektibo ngayong araw ang operasyon ng Lotto.

Pero hindi naman kasali rito ang iba pang mga sugal na pinatatakbo ng PCSO gaya ng small town lottery (STL), Keno at peryahan bayan.