-- Advertisements --

CEBU – Isinagawa ngayong araw ang pagbabalik ng ina-abangang Cebu Dancing Inmates.

Una na ngang sinabi ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na panahon na para ibalik ang atraksyon ng CPDRC na sikat hindi lamang sa Cebu kundi sa buong mundo.

Tinatayang aabot sa 200 mga preso ang lalahok sa nasabing aktibidad.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Bencille Landiza , isa sa mga dancer, na labis nilang ikinatuwa ang pagbabalik ng nasabing aktibidad na noong 2019 pa nilang huling naisagawa.

Malaki ang kanilang pasasalamat ni Landiza sa mga opisyal ng Cebu dahil sa muli nabigyan sila nang pagkakataon na makapagsayaw.

Aniya, medyo nahirapan sila sa pag-eensayo dahil matagal tagal narin na hindi sila nakapagsayaw pero hindi nila ito inantala dahil hangad nilang mapasaya ang buong bansa lalong lalo na ang mga Cebuanos at kani-kanilang pamilya.