Hindi naniniwala si AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin na makakabawas sa mga kaso ng krimen ang pagbabalik ng death penalty.
Para kay Garbin dapat matiyak ang ng pagkaka-aresto at pagpapanagot sa batas ng mga kriminal para mapatunayan ang due process sa bawat krimen.
Nabatid na ilang kongresista na ang naghain ng panukalang batas para sa reimposition ng capital punishment bago pa man banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tungkol dito sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA).
Pero iginiit ni Garbin na mananatili ang kanyang hindi pagpabor sa mga panukalang ito kahit pa sumalang na ang mga ito sa deliberasyon sa Kamara.
Lumusot man aniya ito sa Kamara, wala naman daw mangyayari rito sa oras na tututulan pa rin ito ng Senado katulad nang patulog dito ng mataas na kapulungan noong 17th Congress.