-- Advertisements --
image 430

Plano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na masimulan na ang pagbabakuna ng COVID 19 bivalent vaccine sa mga miyembro nito sa buwan ng Agosto.

Inanunsyo ito ng House Medical and Dental Services, makalipas ang naging pulong kasama ang Department of Health.

Ayon sa pamunuan ng Mababang Kapulungan, hihintayin na lamang nilang maging available ang bakuna at sisimulan na ang pagbabakuna sa mga empleyado nito.

Kasama rin sa mga planong mabakunahan ay ang mga dependents ng mga empleyado, na kabilang sa mga A1 at A2 Category.

Para sa A1 Category, kinabibilangan ito ng mga health care workers, brgy health workers, mga utility workers sa mga health facilities, at mga nursing aide.

Ang mga kabilang naman sa A2 ay mga senior at immunocompromized.