-- Advertisements --
Walang nakikitang mali si dating Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin sa pagbaba ng FIBA ranking ng Philippine national basketball team.
Sa inilabas kasi ng latest ranking ng FIBA ay nasa pang-41 na ang Gilas Pilipinas mula sa dating 33 na puwesto nito.
Dahil dito ay naunahan na sila ng South Korea na nasa 34 na puwesto at Japan na nasa 38.
Ayon kay Baldwin na hindi nakikita sa FIBA ranking ang lakas ng isang basketball team.
Inihalimbawa nito ang ilang bansa sa Europa na nasa mababang ranking subalit nagkakampeon pa rin sila dahil sa mga laro na ipinapakita.
Mahalaga pa rin ang mga laro na ipapamalas ng isang koponan.